MANILA, Philippines - Magbubukas ang fencing sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan at magsisimula naman ang athletics sa DisÂyembre para sa second semester ng UAAP Season 76.
Tangka ng University of the East na makaulit bilang men’s at women’s champions sa fencing na lalarga sa Nobyembre 28 sa Ateneo Blue Eagle gym para sa apat na araw na kompetisyon.
Nakopo ng UE ang huling anim na women’s titles, haÂbang winakasan ng Red Warriors ang tatlong taong pagÂkauhaw noong nakaraang season para sa kanilang ikaÂwalong titulo na siyang pinakamarami sa UAAP.
Si Justine Gail Tinio ang nanalo ng Season 75 Rookie-Most Valuable Player award sa women’s diviÂsion, habang ang 16-anyos na si Nathaniel Perez sa men’s side.
Magbubukas naman ang four-day athletics meet sa DisÂyembre 5 sa De La Salle-Dasmariñas stadium.
Noong Season 75, na-sweep ng multi-titled Far EasÂtern University ang women’s at men’s divisions paÂra sa ikatlong sunod na taon.
Lalarga naman ang football sa Nobyembre 23 sa FEU-Diliman pitch, habang magsisimula ang volleyball sa Disyembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.