TMS-Army haharap sa RC sa PSL

LARO NGAYON

(Ynares Sports Arena, Pasig City

2 p.m. PLDT

vs Cignal (women’s)

4 p.m. TMS vs RC Cola (women’s)

6 p.m. Maybank

vs Giligan’s (men’s)

 

MANILA, Philippines - Masusukat ang lakas ng nag­dedepensang kampeon na TMS-Philippine Army at ng Cignal sa Philippine Su­per Liga (PSL) Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Katunggali ng Lady Troo­pers ang baguhang RC Co­la na magsisimula matapos ang tipanan ng HD Spi­kers at PLDT ngayong alas-2 ng hapon.

Ang Maybank at Gili­gan’s ang maglalaban sa hu­ling laro sa alas-6 ng gabi sa men’s division.

Babalik para sa TMS-PA ang mga sinandalan no­ong nakaraang taon na si­na Jovelyn Gonzaga, Michelle Carolino, Tina Salak, Mary Jean Balse at Rachel Daquis.

Pinatatag ang line-up sa paghugot kay Thai open spi­ker Wanitchaya Luangtonglang  at Japanese libero Yu­ki Murakoshi.

Hindi makakalaro ang MVP sa unang PSL confe­rence na si Venus Vernal pa­­­ra sa Cignal.

Kumuha rin sila ng ma­tatangkad na guest players mula China na sina 6-foot-0 na si Xie Lei at ang 6’1 na si Li Zhan Zhan.

Hindi naman magpapa­huli ang Speed Boos­ters na ki­nuha ang dating NCAA Division I players na sina 6’3 spiker Savanna No­yes at 5’11 setter Kaylee Manns.

Show comments