Wang’s Basketball nakamit naman ang unang panalo Big Chill kinuha ang ikatlong panalo

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Big Chill ang pagpapanalo sa tatlong sunod, habang nakapasok na rin sa win-column ang ba­gitong Wang’s Basketball sa PBA D-League As­pirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Nagpasiklab ang rookie na si Juneric Baloria nang gu­mawa ng 22 puntos at mga mahahalagang buslo sa huling yugto para tulu­ngan ang Superchargers sa 90-83 panalo kontra sa Blackwater Sports.

Si Janus Lozada ay nag­dagdag ng 15 puntos kasama ang apat na tres at ang tropa ni coach Robert Sison ay umangat sa 3-0 baraha.

Nalasap ng Elite ang unang pagkatalo matapos ang magkasunod na ta­gumpay para makapantay sa ikatlong puwesto ang Jum­bo Plastic.

Kumana naman si Ervic Vijandre ng 20 puntos at pinamunuan niya ang mai­nit na paglalaro ng Couriers sa ikatlong yugto para iwanan ang Cebuana Lhuillier patungo sa 86-70 panalo.

May 11 puntos ang ibi­­nagsak ni Vijandre sa na­sa­bing yugto para ma-out­score ng koponang pag-aari ni Alex Wang ang Gems, 28-18, para lumayo sa 64-48.

May 13 puntos si Paul Zamar mula sa masamang 2-of-17 shooting at ang Gems na nagtala ng 2-of-30 shooting sa 3-point line ay bumagsak sa ikalawang pagkatalo matapos ang tatlong labanan.

Show comments