So ayaw maglaro sa Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Isang posibleng gintong medalya ang tiyak nang mawawala sa pagsabak ng Pilipinas sa darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ito ay dahil pinanindigan ni Filipino Grandmaster Wesley So ang kanyang naunang pahayag na hindi siya maglalaro sa nasabing biennial meet dahil sa pagaspang na pagtrato sa kanya ng National Chess Federation of the Philippines at ilan pang sports leaders.
Maliban sa hindi pagkilala ng NCFP at ng ilang sports officials sa napanalunan niyang gold medal sa nakaraang Universiade sa Kazan, Russia ay idinahilan din ni So ang pagiging abala niya sa pag-aaral sa Webster University, ang US NCAA Division I chess champion, kung saan siya ay may athletic scholarship.
“Me and my coach decided I cannot play,†wika ng 20-anyos na si So sa kanyang Twitter account na @wesleySo93.
Si dating five-time women’s titlist GM Susan Polgar ang humahawak ngayon sa tubong Bacoor, Cavite na Filipino Grand Master.
“It’s simply out of the question. Wesley is a full-time student and he has final exams during that time and cannot play,†wika ni Polgar sa kanya ring Twitter account.
Nanggaling si So sa paghahari sa nakaraang 17th Unive Tournament sa Hoogeveen, Netherlands kung saan niya tinalo si English GM Michael Adams at dalawang bigating Dutch GMs. Ito ang nagtaas sa kanya sa No. 32 mula sa pagiging No. 40 sa world list at nagbigay sa kanya ng rating na 2719.
- Latest