MANILA, Philippines - Anim na matutuling kabayo ang mag-uunaÂhan para ibulsa ang 2013 Philracom Grand Sprint Championship na siyang tampok na karera ngayon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sa 1,000-metro distanÂsya gagawin ang labanan at ang mga kasali ay ang C Bisquick ni JB Guce, Don Albertini ni Val DiÂleÂma, Lord Or War ni Pat Dilema, Si Señor ni JA Guce, Sharp Shooter ni Mark Alvarez at Tiger Run ni Jonathan Hernandez,
Ang Si Señor ang piÂnaÂtawan ng pinakamabigat na handicap weight sa mga kasali na 57 kilos.
Nagpapanalo ang kaÂbayo sa huling mga takbo ngunit ito ay nangyari sa pagdadala ni Russel TelÂles.
Si JA Guce ang hahawak ngayon sa kabayo at inaasahang palaban pa rin ito lalo pa’t P600,000.00 ang unang premyo na nakataya sa karera.
Ang CBisquick. Don Albertini, Lord Of War at Sharpshooter ay manggagaling din sa panalo kaÂya’t inaasahang magiÂging balikatan ang tagisan sa kaÂrerang suportado ng PhiÂlippine Racing ComÂmisÂsion.
May 13 karera ang naÂkaÂprograma sa maghapon at isa ring sisikapin ay sa 2YO Special Handicap Race sa 1,300-metro.
Sisipatin din sa karera kung may pagbabago sa ipapakitang pagtakbo ng ChelÂzeechelzechelz sa ilaÂlim ng pagÂdiskarteng muli ni Fernando Raquel Jr.
Ikalawang takbo ito ng kabayo kay Raquel at mapapalaban ito sa limang iba pang katunggali.
Si Raquel ang dumiskarte sa kabayo sa huling takbo noong Nobyembre 3.
Sa nasabing karera ay nabigo ang tambalan at tumapos lamang sa ikaapat na puwesto.
Ang iba pang kasali ay ang Up And Away, Pure Enjoyment at ang coupled entry na Prized Angel, Prize Dancer, Proud Papa at King Of Reality.
Inaasahan ding magiÂging palaban sa karera ang Up And Away at ang Prized Angel.