Baculi sinibak ng Globalport; Ticzon itinalagang interim coach

MANILA, Philippines - Sa pagpapatalsik ng Glo­balport kay Junel Ba­culi bilang head coach ay iniluklok naman ng Ba­tang Pier si assistant Rit­chie Ticzon bilang interim coach.

Ayon kay team ma­nager Erick Arejola, tututukan na lamang ni Baculi ang kanyang trabaho sa Na­tional University bilang athletic director.

“After the meeting bet­ween the management and coach Junel last night (Biyernes), both parties have agreed that coach Ju­nel will focus on his res­ponsibilities as athletic di­rector of the National Uni­versity,” sabi ni Arejo­la.

“On the other hand, we have appointed Rit­chie Ticzon as interim head coach, while Erik Gon­zales will be our lead assistant,” dagdag pa nito.

Bago pa man mangya­ri ito ay kumalat na sa so­cial media ang paghaha­nap ni team owner Mikee Ro­mero ng magiging kapalit ni Baculi.

Ang 5-foot-7 na si Tic­zon ay naglaro pa­ra sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP at na­ging draftee ng Coney Island (Purefoods) sa PBA noong 1994.

Kabilang sa mga nasa listahan ni Romero bilang head coach ng Globalport ay sina Nash at Olsen Ra­cela, si Alaska Milk as­sistant Alex Compton at Air21 mentor Franz Pu­maren.

Sa ilalim ni Baculi ay tumapos ang Globalport bilang pang-lima sa naka­raang 2013 PBA Governors’ Cup na pinagharian ng San Mig Coffee.

Samantala, lumagda na ng kontrata sina roo­kies Terrence Romeo at Nico Salva sa Batang Pier.

Pumirma si Romeo, ang 2013 UAAP Most Va­luable Player para sa FEU, sa isang three-year deal na nagkakahalaga ng P9 milyon, habang lu­magda si Salva, isang two-time UAAP Finals MVP ng Ateneo, sa isang two-year pact na aabot sa P3.5 milyon.

Maliban kina Romeo at Salva ang iba pang draf­­tees ng Globalport ay si­­na RR Garcia, Jopher Cus­todio at LA Revilla bu­­kod pa sa mga bagong hugot na sina rookie center Justin Chua, Rico Villanueva, Eric Menk at Leo Najorda.

Makakasama nila sina Sol Mercado, Jay Wa­shington, Kelly Na­bong, Jon­dan Salvador, Jaypee Belencion at Mark Yee.

 

 

Show comments