PSL Grand Prix paiinitin ng foreign players
MANILA, Philippines - Nakatakdang iprisinta ngayon ng organizer na SportsCore ang mga foreign players sa kani-kanilang koponan sa organizational meeting para sa Philippine Superliga Grand Prix 2013 sa Wack Wack Golf and Country Club.
Pangungunahan nina PSL president at SportsCore CEO Ramon ‘Tats’ Suzara at PSL Chairman Philip Ella Juico ang presentation ceremony, habang ipapakilala ni league Commissioner Ian Laurel ang anim na koponang kasali sa women’s division at ang apat na tropang kalahok sa men’s club division.
“The PSL is ready for its second women’s tournament and the inaugural men’s club competition,†sabi ni Suzara. “And in partnership with Solar Sports, we hope to bring intense volleyball action closer to the people, help ignite the Filipino’s sporting passion and possibly give the sport another boost.â€
Magsisimula ang PSL Grand Prix 2013 bukas sa The Arena sa San Juan at mabibili na ang mga tiket sa SportsCore office, Unit 220, City Land Vito Cruz Tower 1, 720 Vito Cruz St., Manila. Maaari ding tumawag sa 353-3935. Ang kikitain sa tiket sa opening day ay ibibigay sa mga biktima ng lindol sa Bohol sa pamamagitan ni San Juan Mayor Guia Gomez na namumuno sa relief project ng kanyang lungsod.
Ang anim na koponang sasabak sa women’s division ay ang nagdedepensang TMS-Army, PLDT, Cignal, Petron, Cagayan Army at bagitong RC Cola, nagmamay-ari rin ng Air Asia-Zest at Zesto juice drinks.
- Latest