MANILA, Philippines - Ang pagbabalik ni Fil-American Kelly Williams sa Talk Nâ€Text ang magpapalakas sa hangarin ng koponan na kunin ang ikaapat na sunod na All-Filipino Cup title sa 39th PBA season na magbubukas sa Nobyembre 17.
Sa pagdalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura ni Virgil Villavicencio, ang media officer ng Tropang Texters at Meralco Bolts na pag-aari ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan, masaya niyang ibinalita na si Williams ay nakasama ng koponan nang nagsagawa ng dalawang linggong training camp sa Joe Abunassar Basketball Center sa Las Vegas.
“He joined the team in the Camp for two weeks to show that he has recuperated from his illness,†wika ni Villavicencio.
Ang 6’6†forward-center na si Williams ay nakatulong ng koponan nang pinagharian nila ang prestihiyosong conference noong nakaraang season sa unang pag-upo sa bench ni coach Norman Black.
Pero lumiban siya noong Abril at hindi na buma-llik matapos maulit ang sakit sa dugo na tinawag na idiopathic thrombocytopenic purpura.
“Nag-leave siya noong April at hindi siya nakasama sa huling dalawang PBA conference. But what I know for a fact is that he found a new doctor and a new medicine and he has recovered. He is also slated to arrive from the US tomorrow,†dagdag ni Villavicencio.