^

PM Sports

Knockout ginarantiya ni Donaire kontra kay Darchinyan

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginarantiyahan ni Nonito Donaire Jr. ang isang knockout sa kanyang pinakahihintay na  rematch kontra kay Vic Darchinyan bukas sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.

Ang dating world champion na may dugong Pinoy ay naging espesipiko sa kanyang prediksiyon.

“That’s one thing this fight will be (a knockout),” sabi ni  Donaire, na ngayon lang uli lalaban sapul nang mawala sa kanya ang WBO at WBA super-bantamweight titles kay Guillermo Rigondeaux noong April.

Sinabi ni Donaire na sisiguruhin niya ang knockout. “He (Darchinyan) is going to look for a knockout and I’m going to look for a knockout.  I don’t think it is going to last the 10 rounds,” aniya sa isang conference call.

Sa online betting sites ay lamang na lamang ang tinaguriang ‘The Flash’ na si  Donaire, Jr. kontra kay Vic ‘The Raging Bull’ Darchinyan.

Sa tayang $1,000 para kay Donaire, ito ay kikita ng $100, samantalang ang $100 bet kay Darchinyan ay magbibigay ng $660.

Ito rin ang sinasabing prediksyon ng ilang boxing analysts para sa rematch nina Donaire (31-2-0, 20 KOs) at Darchinyan (39-5-1, 28 KOs) bukas sa isang non-title, featherweight fight.

“I’m very confident and motivated for this fight. I will show how excited I can be more than ever. You will see how good I am and how strong I am. And sharp,” ani Donaire.

Noong Hulyo ng 2007 ay pinatumba ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para kunin sa Armenian ang mga hawak nitong International Boxing Organization (IBO) at International Boxing Federation (IBF) flyweight titles.

“It was my first loss and after that I became undisputed champion. I proved to everyone that it was my mistake in the Donaire fight,” sabi ni Darchinyan.

Noong nakaraang taon ay hinirang si Donaire bilang ‘Fighter of the Year’ matapos biguin sina Jeffrey Mathebula, Wilfredo Vasquez, Jr. Toshiaki Nishioka at Jorge Arce. Subalit nagwakas ito noong Abril 13, 2013 nang matalo siya kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa kanilang unification super bantamweight fight.

AMERICAN BANK CENTER

CORPUS CHRISTI

DARCHINYAN

DONAIRE

FIGHTER OF THE YEAR

GUILLERMO RIGONDEAUX

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

JEFFREY MATHEBULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with