‘Goma’ lalaro sa PSL Grand Prix

MANILA, Philippines - Bibigyang kulay ni actor at multi-sportsman Richard Gomez ang Philippine Superliga Grand Prix 2013.

Kakampanya si Gomez, isang Southeast Asian Games medallist bilang rower at fencer, para sa PLDT, isa sa apat na tropang lalahok sa men’s club tournament na isasabay sa women’s competition simula sa Linggo.

Ang tatlo pang koponan sa men’s class ay ang Maybank, Systema at ang Gilligan’s Restaurant.

Bukod sa pagiging miyembro ng national squads ng fencing at rowing, kilala rin si Gomez bilang isang golfer at motocross enthusiast.

Nauna nang naglaro si Gomez ng volleyball sa high school at college.

Sinabi ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara na ang presensya ni Gomez ang magpapasikat sa men’s volleyball sa bansa.

“Richard knows the extent of our undertaking in trying to revive men’s volleyball. He selflessly agreed to help us and we are grateful,” ani Suzara.

Ang event na lalaruin sa The Arena sa San Juan ay nakipagtulungan kay San Juan Mayor Guia Gomez para matulungan ang mga biktima ng lindol sa Bohol.

Ang benta sa tiket sa unang araw ng kompetis-yon ay ibibigay sa mga earthquake victims sa pa-mamagitan ng relief prog-rams ng San Juan City.

Ang mga tiket ay mabibili sa SportsCore office, Unit 220, City Land Vito Cruz Tower 1, 720 Vito Cruz St., Manila o tumawag sa 353-3935.

 

Show comments