Team Asia ni Amit nalo sa Queens Cup

MANILA, Philippines - Nagbida si two-time world 10-ball champ Rubilen Amit sa dalawang crucial na panalo sa final day nang tapusin ng Team Asia ang Team West sa10-4 tagum-pay sa JBET.com Queens Cup kahapon sa Resorts World Manila.

Nakipagtambal si Amit, kapapanalo lamang ng World 10-Ball title sa naturang venue tatlong araw pa lang ang nakakaraan, kay Korean Ga Young Kim upang igupo ang British duo nina Kelly at Allison Fisher sa doubles, 4-2, para sa 9-3 kalama-ngan ng  Asians sa kanilang race-to-10 na laban kontra sa mga taga-Britain, Austria at US.

Nagbalik ang Cebuana sa 3-on-3 play at nakipagtulungan kina Kim at Chinese Shi Ming Chen para umiskor ng 4-2 panalo kontra kina Kelly Fisher, Austrian Jasmin Ouschan at American Vivian Villareal para tapusin ng Team Asia ang laban.

Si Kelly Fisher ang nagbigay ng tanging panalo ng Team West matapos ang 4-0 shut out kay Chen sa singles.

Tinalo ng Team Asia ang Team West sa bawat araw ng  3-day 10-ball competitions na nilaro sa 4-on-4, doubles, singles, at 3-on-3 formats. Kinuha ng Asia ang Day 1 sa 4-2 at pinalaki nila ito sa 8-3 matapos ang Day 2.

Show comments