^

PM Sports

Blackwater, Big Chill diretso sa ika-2 panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangibabaw ang karanasan ng Blackwater Sports at Big Chill upang makuha ng mga ito ang ikalawang sunod na panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi na nagamit ng Elite ang serbisyo nina Justin Chua at Rob Celiz na napili sa PBA Drafting noong Linggo pero kumuha ang tropa ni coach Leo Isaac ng magandang numero  kina Gio Ciriacruz, Jericho  Cruz at Allan Mangahas tungo sa 93-80 panalo sa Wangs Basketball.

Si Ciriacruz ay may 17 puntos, si Cruz ay nagdagdag ng 15 habang ang beteranong si Mangahas ay naghatid pa ng 14 puntos.

May 14 puntos si Ke-vin  Ferrer at sila ni Cruz ang nagtulungan sa 19-9  palitan para iwan na ang bagitong koponan.

“Mahirap na mawalan ka ng players. Pero nakikita kong mabubuo uli  ang team matapos ang ilang laro,” pahayag ni Isaac na nagbabalak na kunin ang ikalawang sunod na titulo matapos angkinin ang Foundation Cup title.

Tinapos naman ng Superchargers ang dalawang maagang panalo ng Jumbo Plastic sa 83-69 panalo sa ikalawang laro.

Si Khazim Mirza at Janus Lozada ay may 17 at 16 puntos habang ang mga big men na sina Jeckster Apinan at Reil Cervantes ay nagtambal sa 26 puntos para manalo sa mga katapat tungo sa pagsalo ng Big Chill sa Blackwater sa ikalawang puwesto.

May 10 puntos pa si Quinton Heruela at siyang nagpaningas sa 14-2 palitan na lalong nagbaon sa Giants.

Si  Mark Romero ay may 14 puntos ngunit ang mga dating sinasandalan na sina Jason Ballesteros at Jan Colina ay parehong umiskor lamang ng tig-pitong puntos para bumaba ang Giants sa 2-1 karta at makasalo ang Zambales M-Builders sa ikatlong grupo.

 

ALLAN MANGAHAS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CRUZ

D-LEAGUE ASPIRANTS

FOUNDATION CUP

GIO CIRIACRUZ

JAN COLINA

JANUS LOZADA

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with