MANILA, Philippines - Aminadong haharap sa pinakamabigat na laban, may kumpiyansa pa rin si Ale Cali na magtatagum-pay sa gagawing pangalawang pagdedepensa ng flyweight title sa Pacific X-Treme Combat 44 sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang laban ang siyang main event at katunggali ni Cali si 5’9†Louis Smolka ng Canada.
Hindi pa natatalo sa apat na laban si Smolka at ang huling panalo ay naitala laban kay Jessie Rafols sa PXC 39.
Matapos ang laban ay inihayag ni Smolka ang kahandaan na labanan si Cali na nanood ng bakbakan.
“Sa lahat ng mga nakalaban ko ay nakikita kong mapapahirapan ako kay Smolka. Bata siya, mas malaki at magaling sa ground. Pero tiwala ako sa paghahanda ko at hindi nag-aalinlangan na mananalo sa laban,†wika ni Cali na sinamahan ni match maker Rob San Diego sa PSA Forum kahapon.
Huling laban ni Cali ay noon pang Nobyembre, 2012 at umukit siya ng TKO panalo kay Erwin Tagle sa unang pagdedepensa ng titulo.
Itinakda ang pagharap niya kay Smolka sa PXC 39 pero hindi pa naghihilom ang shoulder injury ni Cali para ipagpaliban ito.
“Ang advantage ko sa kanya ang speed. Para sa laban na ito ay umakyat ako ng Baguio para sa high altitude training dahil kailangan ko ng hangin para ma-maintain ang speed ko. Pinagtibay ko rin ang depensa at wrestling technique lalo na sa escape sa ground,†ani Cali, na may 5-1 win-loss record.
Siyam na laban ang mapapanood sa gabi at ipi-nagmalaki ni San Diego na matutuwa ang lahat.