MANILA, Philippines - Makikilatis ang lakas ng Blackwater Sports sa pagharap sa pinalakas na Boracay Rum sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.
Ang laban ay itinakda sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon at kaila-ngang mailabas agad ng Elite ang husay ng pagla-laro dahil ang Waves ay magnanais na makasalo sa liderato sa Cagayan Valley bitbit ang 2-0 karta.
Unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali ay sa pagitan ng Café France at Jumbo Plastic habang ang huling laro dakong alas-4 ng hapon ay ang pagkikita ng Big Chill at BDO-National University.
Galing sa 76-56 panalo ang Giants kontra sa BDO sa unang asignatura at tiyak na sasandal ang koponan sa kanilang malalaking manlalaro sa pamumuno ni 6’7†Jason Ballesteros at gunner Jopher Custodio upang maibigay sa koponan ni coach Stevenson Tiu ang pinakamagandang pani-mula sa ikalawang sunod na conference na sinalihan.
Ang Elite ang siyang kampeon sa Foundation Cup nang wakasan ang dominasyon ng NLEX gamit ang 2-0 sweep sa best-of-three finals series.
Buo ang paniniwala ni coach Leo Isaac sa kahandaan ng koponan na makuha ang ikalawang dikit na titulo kahit naunsiyami ang planong kunin ang Fil-Italian point guard na si Chris Banchero.
Si Banchero ay kasama ng Elite sa off-season pero napunta sa Waves nang sila ang pinalad na makakuha sa manlalaro sa kauna-unahang PBA D-League drafting.
“Walang emotion dito at trabaho lang talaga,†wika ni Isaac. “Goal namin ay manalo at ang slight advantage namin sa kanila ay nakita na namin silang maglaro habang wala silang alam pa sa amin.â€
Pigilan si Banchero na gumawa ng 15 puntos sa 89-56 demolisyon ng Waves sa Derulo Accelero para sa kanilang unang panalo noong Martes.