BAGUIO City , Philippines -- Pinagharian ng mga pambato sa marathon na sina Eduardo Buenavista at Christabel Martes ang idinaos na 37th National Milo Marathon Elimination dito kahapon.
Ang 35-anyos na si Buenavista na siyang na-nguna sa local category noong nakaraang taon ay naorasan ng 1:12:39 sa 21-kilometrong karera at nasa trangko ito mula sa simula hanggang natapos ang takbuhan.
Si Cesar Castaneto at ang dating kampeon sa karera na si Hernanie Sore ang pumangalawa at pumangatlo sa 1:14:21 at 1:19:55 oras.
Kondisyon si Buena-vista dahil naghahanda siya para sa gaganaping Myanmar SEA Games sa Dis-yembre 11 hanggang 22.
Ang National Finals ay gagawin sa Disyembre 8 sa Mall of Asia Arena at malaki ang posibilidad na hindi makakatakbo sa karera si Buenavista.
“Kung pupuwede ay gusto ko sanang tumakbo sa National finals. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, target ko na talu-nin si James Tallam (Ken-ya) sa open category,†pahayag ng marathoner na isang two-time Olympian at three-time Milo Marathon champion.
Wala ring nakasabay sa 34-anyos na si Martes na nagtala ng 1:31:33 sa kababaihan para hugandong nanalo laban sa hamon nina Gretchen Ablaza (1:49:41) at Ro-wana Ba-A (1:50:43).
May 35 na iba pang marathoners ang umabot sa qualifying time para pumasok sa finals.