MANILA, Philippines - Isang Pan-Asian Boxing Association (PABA) welterweight titlist ang idinagdag na sparring partner ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Ang 21-anyos na si Teerachai Kratingdaenggym ang pinakabagong sparmate ni Pacquiao sa kanyang paghahanda sa kanyang laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
“I will get both money and experience,†sabi ni Teerachai, nagdadala ng 22-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 knockouts, sa ulat ng Bangkok Post.
Nagpahanap si chief trainer Freddie Roach ng isang mabigat na sparring partner matapos bugbugin ni Pacquiao ang kanyang mga sparmates na sina British light middleweight Liam Vaughn, welterweight Frederick Lawson ng Ghana at Filipino welterweight Dan Nazareno.
Si Pacquiao ay lumapit sa kaibigan niyang si Naris Singwangcha.
Inialok nito kay Pacquiao sina dating world champion Sirimongkol Singmanasak at Kongjak Por Pao-in.
Subalit ang mga ito ay tinanggihan ng Filipino boxing superstar.
“He wants a right-handed boxer like Rios so Teerachai is the right one for him,†sabi ni Naris.
Ayon sa manager ni Teerachai na si Niwat Laosuwanwat, isang malaking pagkakataon para sa kanyang boksingero na maging sparmate ni Pacquiao.
“More importantly, he will get a chance to show the world how good he is,†wika ni Niwat kay Teerachai. “I told him to grab the chance.â€