UAAP football mapapanood sa live television

MANILA, Philippines - Ang mga aksyon sa college football ay mapapano­od sa live television sa paghataw ng 76th UAAP sea­son sa Nobyembre 23 sa Far Eastern University (FEU)-Diliman pitch.

Ang Studio 23 ang magpapalabas ng laro sa ganap na alas-3 ng hapon sa pagitan ng FEU, ang 2012 third-placer, at National University.

Ang mga non-televised matches ay ang banggaan ng De La Salle at University of Santo Tomas sa alas-10 ng umaga at ang salpukan ng 2012 runner-up University of the Philippines at University of the East sa ala-1 ng hapon.        

Lalabanan ng nagdedepensang Ateneo ang FEU sa Nobyembre 26.        

Ang kompetisyon sa women’s division ay nakatakda sa Nobyembre 24.

 

Show comments