HOUSTON -- Umiskor si James Harden ng 34 points, habang humaÂkot ng 13 points at 16 rebounds si Dwight HoÂward para pangunahan ang Rockets sa 113-105 paggupo sa Dallas MaveÂricks.
Matapos maÂkalapit sa 83-91 agwat sa 8:00 miÂnuto sa fourth peÂriod ay nakamit naman ni scorer Dirk NowitzÂki ang kanyang ikaanim at huling foul matapos saÂbayan ang fast-break layup ni HarÂden.
Isinalpak ni Harden ang free throw na nagpaÂsiÂmula sa ratsada ng RocÂkets para kunin ang isang 16-point lead, 99-83.
Tumapos si NowitzÂki na may 22 points para banÂderahan ang Dallas.
Sa New York, ipinalasap ng Brooklyn Nets ang ikalawang sunod na kaÂbiguan ng Miami Heat nang kunin ang 101-100 panalo.
Umiskor sina Paul Pierce at Joe Johnson ng tig-dalawang free throws sa dulo ng fourth quarter para sa tagumpay ng Nets.
Sa Los Angeles, biÂniÂgo ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers, 91-85, tampok ang 24 at 20 points nina Tony ParÂker at Manu Ginobili, ayon sa pagkakasunod.