^

PM Sports

Harden, Howard nagbida para sa Rockets

Pang-masa

HOUSTON -- Umiskor si James Harden ng 34 points, habang huma­kot ng 13 points at 16 rebounds si Dwight Ho­ward para pangunahan ang Rockets sa 113-105 paggupo sa Dallas Mave­ricks.

Matapos ma­kalapit sa 83-91 agwat sa 8:00 mi­nuto sa fourth pe­riod ay nakamit naman ni scorer Dirk Nowitz­ki ang kanyang ikaanim at huling foul matapos sa­bayan ang fast-break layup ni Har­den.

Isinalpak ni Harden ang free throw na nagpa­si­mula sa ratsada ng Roc­kets para kunin ang isang 16-point lead, 99-83.

Tumapos si Nowitz­ki na may 22 points para ban­derahan ang Dallas.

Sa New York, ipinalasap ng Brooklyn Nets ang ikalawang sunod na ka­biguan ng Miami Heat nang kunin ang 101-100 panalo.

Umiskor sina Paul Pierce at Joe Johnson ng tig-dalawang free throws sa dulo ng fourth quarter para sa tagumpay ng Nets.

Sa Los Angeles, bi­ni­go ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers, 91-85, tampok ang 24 at 20 points nina Tony Par­ker at Manu Ginobili, ayon sa pagkakasunod.

 

BROOKLYN NETS

DALLAS MAVE

DIRK NOWITZ

DWIGHT HO

JAMES HARDEN

JOE JOHNSON

LOS ANGELES LAKERS

MANU GINOBILI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with