Ginebra kukunin si Slaughter bilang no.1: Sangalang, Almazan, Teng pag-aagawan din

MANILA, Philippines - Inaasahang opisyal na hihirangin ng Barangay Ginebra si Greg Slaughter bilang No. 1 overall pick ng 2013 PBA Rookie Draft.

Ang 6-foot-11 5/8 na si Slaughter ang magi­ging tampok sa event na nakatakda ngayong alas-4 ng hapon sa Robin­son’s Place sa Ermita, Ma­nila.

Noong 1995 ay kinuha ng Ginebra si 7’1 Edward Joseph Feihl bilang No. 2 overall pick, samantalang no­ong 1996 ay hinirang ni­la si 6’9 Marlou Aquino bilang No. 1 overall pick.

Sa kanyang unang pag­bisita sa ensayo ng Gin Kings ay maluwag na tinanggap si Slaughter ni­na 2012 PBA Most Va­luable Player Mark Ca­gui­oa at team consultant Al­francis Chua.

“It looks like a real good team. They got ath­le­ticism, veteran leadership, and the only thing they are really missing is a big man in the middle,” sa­bi ng 25-anyos na si Slaugh­ter sa naunang pa­na­yam ng Spin.com.ph.

“Hopefully, I can fill that plug and be a complete team and get things going,” dagdag pa ng da­ting Ateneo Blue Eagle.

Makakasama sa Gin Kings ni Slaugh­­ter, ipi­na­­nga­nak sa Ohio, USA at nag-aral sa Don Bosco High School sa Cebu City, ang mga dating Ateneo Blue Eagles na sina LA Te­­no­­rio, Japeth Aguilar at Eman Monfort.

Si Monfort ay dinala ng Barako Bull sa Gineb­ra kapalit ni reserve guard Rob Labagala.

“We got you now Mr. Bigladen,” biro ng 6’8 na si Aguilar kay Slaughter sa kanyang Twitter account na @japethaguilar35.

Ang aktibidad ay pa­ngu­ngunahan nina PBA Commissioner Chito Sa­lud at bagong board chairman Ramon Segismundo ng Meralco.

Si Slaughter ang magi­ging ikalawang sunod na sentrong tinanghal bi­lang No. 1 overall pick ma­tapos si 6’10 June Mar Fa­jardo ng Petron Blaze no­ong 2012.

Ang kukuha sa No. 2 ay ang 2013 Governors Cup champion San Mig Coffee kasunod ang Rain or Shine (No. 3),  Barako Bull (No. 4, 5 at 6) Globalport (No. 7), Alaska (No. 8), Rain or Shine (No. 9) at San Mig Coffee (No. 10).

Puntirya ng Mixers si da­ting NCAA MVP Ian Sangalang ng San Sebas­tian, habang asam ng Elas­to Painters si 6’7 Raymond Almazan ng Letran.

Ang No. 4, 5 at 6 picks ng Energy ay posible ni­lang ipagpalit sa ibang ko­­ponan.

Wala namang pick sa first round ang Petron, Air­21, Meralco at nagde­depensang Philippine Cup champion Talk ‘N Text.

Mula sa orihinal na 85 aplikante ay naging 79 ang bilang ng mga aplikante.

Ito ay matapos umat­ras ang dalawa at tinanggal na­man sa listahan ang apat na hindi sumipot sa tradisyunal na rookie biometrics.

Ang dalawang umatras ay sina Mar Villahermo­sa at Jeff Viernes at ang mga inalis sa listahan ay sina Japs Cuan, Mark Berry, Franz Delgado at Jumel Chien.

Ang ilan sa mga ina­a­sa­hang makukuha sa draft ay si­­na Jeric Teng, 2013 UAAP MVP Terrence Ro­­meo, RR Garcia, Nico Sal­­va, James For­rester, Je­­rick Fortuna, Ryan Bue­nafe, Jett Vidal, Eliud Po­ligrates, Carlo Las­timosa, Ju­stin Melton, Isaac Hols­tein, JR Cawa­ling, Justin Chua, Rob Ce­liz, Alex Nuy­­les, Nate Ma­tute at LA Revilla.

Show comments