MANILA, Philippines - Umatras si Fil-Am AnÂton Arboleda sa national men’s golf team na lalaro sa Myanmar Southeast Games sa Disyembre.
Si Arboleda sana ang magÂpapatatag sa laban ng men’s team sa SEAG daÂhil No. 2 siya sa talaan ng mga golfers sa rehiyon kasunod ni Joe Sakulpolphaisan ng Thailand.
Ikinatuwiran ni ArÂboÂleda ang kanyang pag-aaral sa UCLA na siyang dahilan dahil makakaÂsagabal ang Myanmar Games sa kanya.
Kasama sana niya sa koponan sina Rupert ZaÂragosa, Jobim Carlos at JusÂtin Quiban.
Tinapik para makapaÂlit ni Arboleda ay si John Kier Abdon, ngunit pagÂpuÂpulungan pa ng Task Force SEA Games kung maipapadala pa ba o hindi ang bagong line-up.
Sa linggong ito magpupulong ang Task Force at dedesisyunan din ang kaÂpalaran ng women’s golf team at ang women’s basÂketball.
Sina Asian Youth Games champion Princess Superal ay makakaÂsaÂma sina Mia Legaspi at Katerine Brion sa woÂmen’s team.
Nasa pangatlo si SupeÂral sa SEA rankings pero sila Legaspi at Brion ay waÂla sa talaan.