^

PM Sports

Fil-Am golfer umayaw sa paglalaro sa 2013 SEAG

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umatras si Fil-Am An­ton Arboleda sa national men’s golf team na lalaro sa Myanmar Southeast  Games sa Disyembre.

Si Arboleda sana ang mag­papatatag sa laban ng men’s team sa SEAG da­hil No. 2 siya sa talaan ng mga golfers sa rehiyon kasunod ni Joe Sakulpolphaisan ng Thailand.

Ikinatuwiran ni Ar­bo­leda ang kanyang pag-aaral sa UCLA na siyang dahilan dahil makaka­sagabal ang Myanmar Games sa kanya.

Kasama sana niya sa koponan sina Rupert Za­ragosa, Jobim Carlos at Jus­tin Quiban.

Tinapik para makapa­lit ni Arboleda ay si John Kier Abdon, ngunit pag­pu­pulungan pa ng Task Force SEA Games kung maipapadala pa ba o hindi ang bagong line-up.

Sa linggong ito magpupulong ang Task Force at dedesisyunan din ang ka­palaran ng women’s golf team at ang women’s bas­ketball.

Sina Asian Youth Games champion Princess Superal ay makaka­sa­ma sina Mia Legaspi at Katerine Brion sa wo­men’s team.

Nasa pangatlo si Supe­ral sa SEA rankings pero sila Legaspi at Brion ay wa­la sa talaan.

ARBOLEDA

FIL-AM AN

JOBIM CARLOS

JOE SAKULPOLPHAISAN

JOHN KIER ABDON

KATERINE BRION

MIA LEGASPI

SHY

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with