MANILA, Philippines - Panibagong dagok sa Philippine Sports ang pagsasampa ng graft charges ni Senator Antonio Trillanes IV laban sa pamunuan ng POC at PSC.
“Given the personalities involved this is another distraction which will hurt the progress of Philippine Sports. Personally, I consider this as harassment,†wika ni Frank Elizalde ang dating International Olympic Committee representative sa Pilipinas na ngayon ay honorary member at kasapi ng Ethics Committee ng IOC.
Sinampahan ng kaso ni Trillanes sa Ombudsman sina POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia dahil sa paglustay ng pondo sa mga tinuring na bogus NSA.
Wala namang tinukoy ang Senador pero hindi malayong ang Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) ang kanyang pinupuntirya.
Si Trillanes ang pa-ngulo ng isang grupo ng TATAP at kalaban si Ting Ledesma. Pero ang international federation at ang POC ay kumikilala sa liderato ni Ledesma para mabigyan ng pondo ng PSC.
Para kay Elizalde, hindi na dapat lumaki ang problemang ito kung ipinaglabanan ni Trillanes ang kanyang puwesto sa International Federation dahil kung nakuha niya ang basbas ng IF ay tiyak na susunod ang POC recognition.
Handang harapin nina Cojuangco at Garcia ang reklamo at naniniwalang hindi uusbong ang kaso dahil wala itong basehan.
“Hindi ako ang mag-isang nagdedesisyon sa rekognisyon ng isang NSA dahil may proseso itong dinadaanan. Dapat ay makuha muna ng asosasyon ang international federation at matapos nito ay pagbobotohan ng POC executive board at sunod sa General Assembly. Gumawa siya ng demanda para ma-intimidate kami,†wika ni Cojuangco na tiyuhin ni Pangulong Benigno Aquino III.