OAKLAND, Calif. – Hindi makakalaro si Harrison Barnes sa unang dalawang games ng regular season para sa Golden State Warriors o higit pa dahil sa kanyang injury sa kaliwang paa.
Sinabi ni Warriors coach Mark Jackson sa mga reporters matapos ang practice nitong Martes na si shooting guard Klay Thompson ay magiging starter sa season opener kontra sa Los Angeles Lakers.
Sinabi rin ni Jackson na kahit bumalik si Barnes ay mananatili na sa starting line-up si Thompson.
Si Barnes ay di nakalaro mula noong ikalawang preseason game ng Warriors noong Oct. 7.
Ayon sa Warriors, si Barnes ay may “left foot inflammation.â€
Si Barnes ay laging starter sa lahat ng game sa kanyang rookie season pati sa playoffs. Sa pagbabalik ng limang starters noong nakaraang season, sina Barnes at Thompson ay naglalaban sa posisyon matapos papirmahin ng Warriors si swingman Andre Iguodala nitong summer.