MANILA, Philippines - Sinelyuhan ng San Sebastian ang ikatlong puwesto sa Final Four nang taluning muli ang Perpetual Help, 81-71 sa 89th NCAA men’s basketball playoff kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Si CJ Perez ay mayroong 20 puntos at limang puntos ang kanyang naihatid sa 11-0 pamatay na run upang makuha ng Stags ang ikatlong sunod na panalo sa Altas sa season.
Dikitan ang labanan lalo na sa huling yugto at ang Altas ay nakalamang pa sa 71-70 sa tres ni Ha-rold Arboleda sa huling dalawang minuto.
Pero hindi na sila nakapuntos hanggang matapos ang laro para sa ikalimang sunod na pagkatalo tungo sa pang-apat na puwesto sa Final Four.
“We want to win as many games as possible to prepare us for the Final Four. Its gonna be tough but we just want to enjoy the experience especially since nobody expected us to be here,†pahayag ni Stags coach Topex Robinson.
Balanse ang naging pag-atake ng Stags dahil sina Bradwyn Guinto, Jovit dela Cruz, Jamil Ortuoste at Gio Vergara ay nagsanib sa 50 puntos.
Sina Nosa Omorogbe, Justin Alano at Earl Thompson ay may 21, 14 at 13 puntos para sa Altas na kumulapso uli s huli.
Ang Final Four ay sisimulan sa Nobyembre 7 at makakatapat ng Altas ang nangungunang San Beda na may twice-to-beat advantage tulad ng Knights.
Nagtabla sa unang yugto ang magkabilang koponan sa 14-all pero sa ikalawang yugto nagsi-mulang tumibay ang opensa ng Stags at hinawakan ang 36-32 kalamangan sa halftime.
Lumobo ito sa 13 puntos, 45-32 at kampante pang nakaangat sa 55-46 sa pagtatapos ng ikatlong yugto pero hindi bumigay agad ang Altas.
Isang 12-3 palitan na tinapos ng steal tungo sa layup ni Joel Jolangcob ang nagpatabla sa iskor sa 58-all.
Isang tres ni Jolangcob ang nagpalamang pa sa bataan ni coach Aric del Rosario, 63-62 bago gumanti ng tres si Vergara na nasundan ng jumper ni Dela Cruz para ilayo sa apat ang Stags, 67-63.
Hindi pa tapos si Jolangcob na tumira uli sa 3-point line habang si Arboleda ay gumawa ng kanyang natatanging tatlong puntos sa laro sa 8-3 palitan at agawin sa huling pagkakataon ng Altas bentahe sa laro, 71-70. (AT)
San Sebastian 81 -- Perez 20, Guinto 15, Dela Cruz 14, Ortuoste 11, Vergara 10, De Vera 4, Aquino 3, Ba-lucanag 2, Tano 2, Rebollos 0, Gusi 0, Trinidad 0.
Perpetual 71 -- Omorogbe 21, Alano 14, Thompson 13, Jolangcob 8, Oliveria 4, Yla-gan 4, Arboleda 3, Elopre 2, Baloria 2, Dizon 0, Bantayan 0, Lucente 0.
Quarterscores: 14-14, 36-32, 55-46, 81-71.