Parks, Banchero magpapasikat sa D-League

MANILA, Philippines - Mga manlalarong ti­ni­ngala sa ibang liga ay ma­kikilatis ang kalidad sa pag­salang ngayon sa 2013 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Arellano Gym.

Si Bobby Ray Parks, Jr., isang two-time MVP sa UAAP habang su­ot ang uniporme ng Na­tio­nal University, ang ma­ngu­nguna sa Banco de Oro na susukatin ang Jumbo Plastic sa unang laro sa triple-header sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Matapos si Parks ay ang Fil-Italian guard na si Chris Banchero naman ang magpapakita ng ga­­ling para sa Boracay Rum sa pagbangga sa De­rulo Accerelo sa alas-2 ng ha­pon, habang ang panghu­ling laro ay sa pagitan ng mga mananalong kopo­nan sa opening day na Ca­ga­yan Valley at Zambales M-Builders.

Mataas ang ekspektas­yon kay  Banchero matapos niyang tulungan ang San Miguel Beermen na magkampeon sa ASEAN Basketball League (ABL) na kung saan siya ang hi­nirang bilang MVP ng tor­neo.

Nagkaroon pa ng agawan sa kanyang serbisyo dahil nauna siyang sumama sa Blackwater Sports pero sa huli ay napunta sa Waves.

“He is a positive influence to his teammates and his experience will help us a lot,” wika ni Boracay coach Lawrence Chongson.

Kailangang mag-click agad ang nasabing kopo­nan dahil nais ng Oilers na bumangon mula sa 73-79 pagkatalo sa M-Builders no­ong Huwebes.

Mapapalaban naman ang Zambales sa Rising Suns na maglalaro nga­yon ng kumpleto.

Ang mga NCAA pla­yers na sina Kenneth Ig­halo, John Pinto, Prince Ca­peral at Michael Mabulac ay isusuot na ang uniporme ng koponan upang makatuwang sina rookie Don Trollano at beteranong gunner na si Adrian Ce­lada.

Sina Trollano at Cela­da ay nagtambal sa 42 pun­tos nang padapain ng Rising Suns ang Café France, 83-74, sa unang la­ro.

“Umaasa ako na nga­yon na kumpleto na ang team ay mas maganda ang ipakikita namin,” pahayag ni Cagayan coach Alvin Pua.

Show comments