Parks, Banchero magpapasikat sa D-League
MANILA, Philippines - Mga manlalarong tiÂniÂngala sa ibang liga ay maÂkikilatis ang kalidad sa pagÂsalang ngayon sa 2013 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Arellano Gym.
Si Bobby Ray Parks, Jr., isang two-time MVP sa UAAP habang suÂot ang uniporme ng NaÂtioÂnal University, ang maÂnguÂnguna sa Banco de Oro na susukatin ang Jumbo Plastic sa unang laro sa triple-header sa ganap na alas-12 ng tanghali.
Matapos si Parks ay ang Fil-Italian guard na si Chris Banchero naman ang magpapakita ng gaÂÂling para sa Boracay Rum sa pagbangga sa DeÂrulo Accerelo sa alas-2 ng haÂpon, habang ang panghuÂling laro ay sa pagitan ng mga mananalong kopoÂnan sa opening day na CaÂgaÂyan Valley at Zambales M-Builders.
Mataas ang ekspektasÂyon kay Banchero matapos niyang tulungan ang San Miguel Beermen na magkampeon sa ASEAN Basketball League (ABL) na kung saan siya ang hiÂnirang bilang MVP ng torÂneo.
Nagkaroon pa ng agawan sa kanyang serbisyo dahil nauna siyang sumama sa Blackwater Sports pero sa huli ay napunta sa Waves.
“He is a positive influence to his teammates and his experience will help us a lot,†wika ni Boracay coach Lawrence Chongson.
Kailangang mag-click agad ang nasabing kopoÂnan dahil nais ng Oilers na bumangon mula sa 73-79 pagkatalo sa M-Builders noÂong Huwebes.
Mapapalaban naman ang Zambales sa Rising Suns na maglalaro ngaÂyon ng kumpleto.
Ang mga NCAA plaÂyers na sina Kenneth IgÂhalo, John Pinto, Prince CaÂperal at Michael Mabulac ay isusuot na ang uniporme ng koponan upang makatuwang sina rookie Don Trollano at beteranong gunner na si Adrian CeÂlada.
Sina Trollano at CelaÂda ay nagtambal sa 42 punÂtos nang padapain ng Rising Suns ang Café France, 83-74, sa unang laÂro.
“Umaasa ako na ngaÂyon na kumpleto na ang team ay mas maganda ang ipakikita namin,†pahayag ni Cagayan coach Alvin Pua.
- Latest