Huey, Inglot nagkampeon sa doubles ng Swiss Indoor
MANILA, Philippines - Nakipagtambal si Philippine Davis Cup star at doubles specialist Treat Huey kay Dominic Inglot ng Great Britain para angkinin ang men’s doubles title sa Swiss Indoor Championships sa Basel.
Umiskor sina Huey at Inglot ng 6-3, 3-6, 10-4 paÂnaÂlo laban kina Julian Knowle at Oliver Marach.
Ito ang ikalawang ATP World Tour title nina Huey at Inglot sa kanilang anim na finals appearance.
Ang tagumpay ng dalawa ang bumuhay sa kaÂniÂlang tsansa na makalahok sa Barclays ATP World Tour Finals.
Ang Barclays World Tour Finals ay nakatakda sa NobÂyembre 4-11 sa 02 Arena sa London.
“It is such a great feeling to have won a title again, after not having won one this year. We left it late, but better late than never,†ani Inglot. “We worked on a few things during the summer.â€
Ang panalo nina Huey at Inglot ang nagtaas sa kaÂnila sa No. 11 spot sa Emirates ATP Doubles Team RanÂkings.
Naipanalo nina Huey at Inglot ang apat sa kanilang unang 5 points sa match tie-break patungo sa kanilang ika-29 panalo at 29-13 sa kabuuan ngayong taon.
Nauna nang tinalo nina Huey at Inglot sina second seeds Aisam Ul-Haq Quereshi at Jean-Julien Roger sa first round.
Nakamit nina Huey at Inglot ang prize money na $142,000 bukod pa sa nakuhang 500 Emirates ATP RanÂking points.
“We are off to Paris tonight on the train and we’ll hopefully have a good week there,†wika ni Huey.
Lalabanan nina Huey at Inglot sina Fabio Fognini at Andreas Seppi sa first round ng BNP Paribas MasÂyers sa Paris ngayong linggo.
- Latest