MANILA, Philippines - Apat na malalaking kaÂÂrera ang magpapakinang sa 2013 Klub Don Juan de Manila Racing Festival ngayon sa Metro Turf sa Malvar Batangas.
Ang tampok na karera ay ang Don Juan Derby na lalahukan ng apat na biÂgating kabayo na tatakbo sa 2,000-metro distansya.
Halagang P900,000.00 ang unang premyong pagÂlalabanan at ang mga kaÂsali ay ang Basic Instinct, Sky Dragon, Boss Jaden at Be Humble.
Ang iba pang KDJM stakes ay para sa fillies at colts at ang Don Antonio Floirendo Sr. Golden Girls.
Mangunguna sa mga filÂÂlies ang paboritong Kukurukuku PaÂloma, habang ang Young Turk naman ang magÂtaÂtangka ng panaÂlo sa colts.
Ang tatlong karerang ito ay nilagyan ng premÂyong tig-P500,000.00 at ang maÂnanalo ay makakatanggap ng gantimpalang P300,000.00.
Ang isa pang malaÂking kaÂÂrera ay ang Philracom Lakambini Stakes na inilagay sa 1,800-metro kaÂrera at pinasigla ng P1.5 milÂyong premyo na handog ng Philippine Racing Commission.
Ang ibang mga karera ay sinahugan din ng mga added prizes para matiyak na magiging mahigpitan ang labanan katulad ng mga nakalinyang stakes races sa racing festival.