Warriors hinugot si Bogut

LOS ANGELES - Inihayag ng Golden State Warriors na pinapirma nila si Australian center Andrew Bogut sa isang multi-year contract extension.

Iniulat ng USA Today na ang three-year deal ay nag­kakahalaga ng $36 milyon na maaaring lumobo sa $42 milyon dahil sa incentives.

“OFFICIAL: The Warriors have signed center Andrew Bogut to a multi-year contract extension,” wika ng NBA club sa kanilang Twitter.

Si Bogut, ang top overall pick noong 2005 NBA draft, ay hindi nakalaro sa 107 games sa nakaraang da­lawang seasons dahil sa kanyang mga injuries.

Show comments