MANILA, Philippines - Dinomina ni Johnriel Casimero si Mexican chalÂÂlenger Felipe Salguero para patuloy na isuot ang kanyang International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown kaÂgabi sa Makati Coliseum.
Tinalo si Casimero si Salguero via 11th-round TKO (Technical Knockout) para sa kanyang ikatlong sunod na pagdedepensa sa IBF belt.
Nang mapabagsak ni Casimero si Salguero sa round eleven ay inihinto na ng referee ang laban.
Pinaganda ng 23-anÂyos na si Casimero ang kanÂyang win-loss-draw ring record sa 19-2-0 kaÂsama ang 10 knockouts kumÂpara sa 18-5-1 (13 KOs) ng 31-anyos na si SalÂguero.
Napadugo ni Casimero ang kanang kilay at kaÂliwang mata ni Salguero sa round seven bago maÂpatumba ang Mexican sa round nine.
Si Casimero ang isa sa tatlong Filipino world champion sa kasalukuyan bukod kina WBO light flyÂweight king Donnie Nietes at WBO miniÂmumÂweight ruler Merlito SaÂbillo.