MANILA, Philippines - Magbabalik ang boxing sa grandballroom ng Elorde Sports Center sa Sucat Rd, Parañaque sa pakikipagtambalan ni businessman/promoter Johnny Elorde sa Rotary Club of Manila 101 na pinamumunuan ni president Dra. Joyce Reyes at ng Cobra Energy Drink sa paghahandog ng isang blockbuster card na magtatampok sa siyam na laban.
Tinaguriang “Boxing Kontra Droga†ang boxing promotion ay humihikayat sa mga kabataan na maging aktibo sa sports at lumayo sa paggamit ng illegal drugs.
Lalabanan ni Philippine featherweight champion Vinvin Rufino si Jonard Postrano sa una sa double main event card na magtatampok sa pag-aagawan sa bakanteng Luzon Professional Boxing Association superfeatherweight championship nina top contender Randy Braga ng Elorde stable at Richard Olisa ng Tiger City Boxing Gym.
Naghahanda si Rufino para sa laban sa Oriental title sa susunod na taon sa Japan, habang pipilitin ni Braga na makuha ang kanyang pang-12 na panalo.
Sa supporting mainer, makakatapat ni Joebert Alvarez ng Yraola Boxing stable si Ronerex Dalut ng Sarangani Boxing Gym, habang makakatagpo ni undefeated Gie-mel Magramo ng Elorde stable si Ricky Oyan ng Moreno Boxing stable sa Tanza Cavite.
Sa preliminary bouts ay mapapanood sina Jay Loto at Dexter Dimaculangan para sa 105 lbs. at sina Diomel Diocos at Roy Albaera sa 112 lbs.
Apat pang four-round bouts ang mapapanood sa hanay nina JR Diama at Louis Araneta sa 112 lbs., Gerome Montalban vs Junar Adante sa 123 lbs. at Roderick Flores vs Bhenyson Ricafranca sa 118 lbs.
Para sa detalye ay maaaring tumawag sa mga telepono bilang 8250625; 8264463 at 09162423657.