^

PM Sports

Labanan ng magkapatid Petron vs San Mig

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay maghaharap ang Petron Blaze at ang San Mig Coffee para sa kanilang championship showdown.

Magtatagpo ang Boosters at ang Mixers ngayong alas-8 ng gabi sa Game Se-ven na magdedetermina sa koponang mag-uuwi sa 2013 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Bago ang kanilang 88-99 kabiguan sa Petron sa Game Six noong Miyerkules ay sinabi ni San Mig Coffee head coach Tim Cone na ayaw niyang maglaro sa Game 7.

“We wanted to avoid a winner-take-all because too many things can happen in that situation,” wika ni Cone. “We certainly had our chances. But beating Petron three games in a row is a huge mountain to climb.”

Itinulak ng Boosters ang kanilang titular showdown ng Mixers matapos ma-naig sa Game Six para sa kanilang 3-3 iskor sa serye.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling magkakaroon ang San Mig Coffee at si Cone ng tsansang makamit ang kani-kanilang mga layunin.

Target ng Mixers ang kanilang pang-10 PBA championship, samantalang hangad ni Cone na maduplika ang 15 PBA crown ni legendary Baby Dalupan.

Alam ni Cone kung paano nila ito makukuha kontra sa Boosters.

“As I’ve said before, we cannot play this team without all cylinders fi-ring,” wika ni Cone, nagbigay ng 13 titulo para sa Alaska bago akayin ang B-Meg (ngayon ay San Mig Coffee) sa korona noong nakaraang taon. “We have to be very precise in our execution in both sides of the floor.”

Taliwas sa iniisip ni Cone, mas nananabik naman si rookie mentor Gee Abanilla na maglaro sa Game Seven.

“It’s Game 7 of the finals. It’s a dream of coaches and players,” sabi ni Abanilla. “Now that we extended the series to a Game Seven, it’s gonna be anybody’s ball game.”

 

vuukle comment

AS I

BABY DALUPAN

CONE

GAME

GAME SE

GAME SEVEN

GAME SIX

GEE ABANILLA

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with