MANILA, Philippines - Sa nalalapit na Pinoy Pride XXII, muling ipapa-kita ng 24-anyos na si Roli Gasca (20-4-1; 5 KOs) ang kanyang world-class talent.
Bilang dating OPBF Super-bantamweight champion, tatlong buwan lamang naisuot ni Gasca ang kanyang korona bago ito inagaw ni Japanese fighter Yukinori Oguni (11-1) noong 2011 sa Japan.
Matapos ito ay muling nabigo si Gasca sa isang international bout para sa IBO world title kontra kay Alexander Bakhtin (31-0) noong 2012 sa Moscow, Russia.
Nagbalik si Gasca nang igupo si Jimmy Aducal via unanimous decision sa main event ng isang ALA-Cobra match ngayong taon.
“Gasca is a fighter who shows a lot of talent and a high I.Q inside the ring. We still believe that he has the potential to be a world title challenger in the future,†sabi ni ALA Promotions President and CEO Michael Aldeguer.
Lalabanan ni Gasca sa Oktubre 26 si southpaw Indonesian Lande Olin (11-4) sa undercard ng Servania vs. Concepcion WBO Inter-continental Super Bantamweight title fight.
Sa nasabi ring card ay mapapanood sina Mark Vincent ‘Machete’ Bernaldez (11-0; 7 KOs) at Jessel Mark ‘Magnifico’ Magsayo (3-0; 2 KOs).
Lalabanan ni Bernaldez si Khunkiri Wor Wisaruth (10-5-1) ng Thailand at haharapin ni Magsayo si Hagibis Quinones (3-10-1).
“Yes (it will be a confidence booster), definitely for both of them. These fights will dictate [Gasca at Bernaldez’] respective careers,†wika ni Aldeguer. “Gasca has to get his credi-bility back and for Bernaldez it is to prove that he has what it takes to headline an Idol card and be the next big name in the futureâ€, dagdag pa nito.
Ang laban ay nakatakda sa Oktubre 26 sa Waterfront Hotel and Casino, Cebu City at mapapanood sa ABS CBN Channel 2 sa ganap na alas-10 ng umaga at sa Studio 23 sa alas-6 ng gabi sa Linggo.