Magpapadala nga ba tayo ng lahok na dele-gasyon sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre o hindi?
Ito ngayon ang katanungang bumabalot sa sports community.
Noong una, may planong boykotin ang Myanmar SEA Games.
Kasi nga, hindi nagustuhan ng mga opisyales natin ang ginawang dagdag-bawas ng mga organi-zers sa mga sports events na pabor sa Myanmar.
Bilang protesta, iminungkahi ni Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia na magpadala lamang ng maliit na delegasyon.
May mahigit sa 200 atleta ang inaprubahan ng Philippine Olympic Committee na ilahok sa SEA Games.
Hindi ito marahil ang tinitingnang ‘lean delegation’ ni Garcia ngunit ito na ang pinakamaliit na delegasyong ipadadala ng Pinas sa kasaysayan ng SEA Games dahil dati ay higit 500 katao ang ipinadadala natin.
Pero sa nangyaring mga pagsabog sa Myanmar noong nakaraang linggo, kailangang isipin ang seguridad ng ating Pambansang delegasyon.
Safe ba ang ating mga atleta doon?
Paano kung magkaroon ng pagsabog sa kasagsagan ng kompetisyon?
Baka naman nga puwedeng hindi na magpadala kung hindi maganda ang sitwasyon.
Tutal ay tutol naman tayo sa ginawa nila… Tutal ay gagawin na lang naman na ‘praktisan’ ng mga atleta ang SEA Games... Tutal hindi naman tayo lalaban para sa overall championship.