Cobra-Urge Ride Rules! Grand Finals iniurong

MANILA, Philippines - Ang inaabangang Cobra-Urge Ride Rules! Tour Grand Finals ay naurong na sa October 26, 2013 sa TF Valencia Circle, Rizal Park Manila. 

Masamang panahon ang naging dahilan ng mga organizer upang i-postpone ito  noong Sept. 26.  Isinaalang-alang ng mga organizers ang seguridad at kaligtasan ng mga manlalaro at mga manonood. 

Babandera sa pinakamalaking bike stunts event na ito  ang sampung manlalaro na pumasok sa Top 10 sa BMX Box Jump, BMX Street, BMX Flatland at MTB Box Jump na nanalo noong nakaraang 1st leg – May 18 sa  Riverbanks Mall Marikina at sa 2nd leg – June 15 sa Starmall, Las Piñas.

Isa sa mga aabangan sa Cobra-Urge Ride Rules! Tour, Grand Finals  ay ang mga side events gaya ng “Graf Rules!” isang Live at graffiti wall art battle at ang  guest band reggae prince na ‘The Chongkeys’ para sa gabing kasiyahan. 

Ang event na ito ay magsisimula ng ala-una ng hapon at ito ay libre sa lahat ng mga manonood. Maaring bisitahin ang facebook fanpage na “Cobra-Urge Ride Rules Tour” para sa mga karagdagang detalye.

 

Show comments