Mas malaki na ang Tempra Run Against Dengue ngayon

MANILA, Philippines - Mas malaki ang itatakbong Tempra Run Against Dengue sa Nov. 17 sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa palibot ng Quezon City Memorial Circle.

Layunin sa advocacy run na ito, inorganisa ng Subterranean Ideas at sponsored ng Tempra, na ipakita ang bisa ng pagtutulungan, magbigay ng impormasyon ukol sa panganib na dulot ng dengue at magkaroon ng mga activities para labanan ang epidemya.

Bahagi ng kikitain sa patakbong ito na suportado rin ng Philippine Cha-rity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Green Cross, Gemilang4U International, Business Mirror, Health and Fitness Magazine at National Capital Region Athletic Association ay gagamiting pambili ng mga anti-dengue modalities, kabilang ang mga basurahan  na ibibi-gay sa mga mapipiling day-care centers at barangays sa lungsod.

May apat na categories na 10k (P450), 4k (P400), 2k (P300) at Family Run (P250 bawat runner) pati na ang bagong division tampok ang parent (o parents) na tatakbo ng 1k kasama ang kanyang anak.

Ang registration center ay sa Liwasang Aurora ng QC Memorial Circle (malapit sa blue stage) tuwing weekends  hanggang Nov. 16 at isang oras bago pakawalan ang 10k run sa araw ng karera. Maaari ring tumawag sa landline na 504-5990 o mag-text  sa 0916-2246221.

Ang mga runners ay kailangang magdala ng  empty box ng Tempra syrup o drops o 10 empty blister packs ng Tempra para makasali.

Ang mga runners na may Tempra entries lamang ang masasali sa raffle kung saan mamimigay ng tablets (Samsung, Acer etc.), cellphones, Sennheiser headphones, hotel accommodations, Star City GCs, Food GCs at movie passes.

Mas maraming  empty Tempra boxes/blister packs, mas maraming tsansang manalo ng prizes.

Show comments