Blazers wagi sa Clippers

LOS ANGELES -- Humugot si Damian Lillard ng 12 sa kanyang 16 points sa third quarter para pangunahan ang Portland Trail Blazers  sa 94-84 exhibition victory kontra sa Los Angeles Clippers noong Biyernes ng gabi.

Umiskor si Lillard ng siyam na sunod na puntos sa naturang yugto para ilayo ang Blazers sa Clippers matapos ang isang one-point deficit sa halftime.

Tumipa si Nicolas Batum ng 14 points at humakot si Robin Lopez ng 9 points at 10 rebounds para sa Portland na nagtayo ng isang 17-point lead sa huling 10 minuto sa fourth period.

Sa likod ni Darren Collison, nakakapit ang Los Angeles sa 4 puntos na agwat.

Isang 10-2 ratsada naman ang iginanti ng Blazers para selyuhan ang kanilang panalo.

Naglista si Collison ng 31 points at 6 assists para pamunuan ang Clippers.

Nagdagdag naman si Blake Griffin ng 18 points at 6 rebounds sa loob ng 25 minuto para sa Los Angeles, habang may 7 points at 4 asists si Chris Paul.

Show comments