ORLANDO, Fla. -- Nagposte si Mike Miller ng 19 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Ed DaÂvis ng 16 points at 10 boards para pangunahan ang MemÂphis Grizzlies sa 97-91 panalo kontra sa Orlando MaÂgic.
Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Grizzlies sa kanilang pre-season campaign.
Naglaro si Miller sa loob ng 30 minuto at nagtala ng 7-of-10 fieldgoal shooting.
Pinamunuan naman ni rookie Victor Oladipo ang MaÂgic sa likod ng kanyang 22 points.
Tumapos si Nik Vucevic na may 13 points at 11 reÂbounds bago na-foul out sa third quarter.
Pinaglaro ng dalawang koponan ang kanilang mga starters sa third period kung saan lumamang ang MaÂgic.
Nakabawi naman ang Grizzlies para iposte ang isang 15-point lead.