MANILA, Philippines - Itala ang koponan biÂlang kauna-unahang team na nagkampeon sa paÂmamagitan ng sweep ang nais gawin ng Cagayan ProÂvince sa Game Two ng ShaÂkey’s V-League Season 10 Open Conference laÂban sa Smart-Cagayan ngaÂyon sa The Arena sa San Juan City.
Ang laro ay mapapanood sa ganap na alas-4 ng hapon at ito ay isasaere din ng live sa GMA TV Channel 11.
Galing ang tropa ni coach Nestor Pamilar sa 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12 panalo sa Game One noong Martes para maiÂsulong din ang winning streak sa 15-0.
“Hindi namin iniisip ang sweep kungdi ang mag-champion. Binigyan kaÂmi ng pagkakataon at pagÂsisikapan namin na maÂganap ito,†wika ni PaÂmilar.
Ang momentum na taÂngan ay tiyak na makakaÂtulong para manatiling maÂÂtikas ang laro ng mga inaÂÂasahan tulad nina Thai imÂports Kannika ThipaÂchot at Phomia Soraya at mga locals na sina AiÂza Maizo at Angeli Tabaquero.
Asahan naman na gaÂgawin ng Net Spikers ang lahat ng makakaya para maÂpaabot ang serye sa Game Three sa Oct. 27.
Si Lithawat Kesinee ang mangunguna sa pag-atake ng Smart katuwang sina Alyssa Valdez, Sue Roces at Gretchel SolÂtoÂnes.
Kailangan ng Smart na lumabas ang husay ng mga manlalarong gagamiÂtin dahil hindi tiyak kung makakasama nila ang 6-foot-2 na si Dindin Santiago na maaaring hindi paÂhintulutan ng National University dahil maglalaÂro sila sa UniGames sa BaÂcolod City.
Bago ang larong ito ay matutunghayan muna ang muling salpukan ng PhiÂlipÂpine Army at Philippine Air Force sa ganap na alas-2 ng hapon at hanap ng Lady TrooÂpers na madupÂlika ang 3-0 paÂnalo sa huÂling tapatan paÂra ibulsa ang ikatlong puÂwesto.