MANILA, Philippines - Hindi na ilalaro ni Terrence Romeo, Most Valuable Player sa katatapos lamang na UAAP season ang kanyang huling taong ilalaro sa Far Eastern matapos itong magdesis-yong mag-apply sa 2013 PBA Rookie Draft sa susunod na buwan.
Personal na dinala ni Romeo ang kanyang application sa PBA Commissioner’s Office dalawang oras bago ang 5 p.m. deadline kahapon kaya lalong lumalim ang grupo ng mga pagpipiliang players sa rookie draft sa Nov. 3 sa Robinson’s Place Ermita.
May kabuuang 79 players ang kasama sa draft roster na pagpipilian ng Barangay Ginebra at San Mig Coffee na may hawak ng No. 1 at No. 2 picks ayon sa pagkakasunod.
Si Romeo ay karagdagang guard sa pool na karamihan ay big men sa pangunguna nina Greg Slaughter, Ian Sangalang at Raymond Almazan.
Nauna na sa kanyang nag-apply ang kanyang mga kapwa UAAP standouts na sina Jeric Teng at RR Garcia kaya dumami ang mga backcourt players sa pool.
Samantala, hindi babalikan ni Alfrancis Chua ang kanyang dating posisyon bilang coach ng Barangay Ginebra na inihatid niya sa second place sa PBA Commissioner’s Cup bago naging team manager ng koponan, matapos masibak sa playoffs ang pinakasikat na basketball team sa papatapos nang Governors’ Cup.
“I’m ready to do what management wants but at the moment, I’m happy with my job,†sabi ni Chua. “I think I’m in a position to fix things. But whatever Boss RSA (San Miguel Corp. president Ramon S. Ang) and Boss Robert (Non) want me to do, I’m prepared. I took a one-month break after the Commissioner’s Cup and visited my mother in San Francisco with my three brothers. I got back during the Governors Cup. I love our team. I’ll do what it takes to make it a championship team.â€
Ayon kay Chua, sa katapusan ng buwang ito, mag-e-expire ang mga kontrata nina Kerby Raymundo, Willy Wilson, Rico Maierhofer at Rob Labagala. “The contracts were extended up to October because of the adjustment in the PBA schedule,†aniya. “We’re constantly evaluating where we can be stronger. We’re studying possible trades. We’re looking at who’s available in the coming draft.â€