PSC, POC nakabantay sa Myanmar ngayon
MANILA, Philippines - Binabantayan ng mga top sports officials ang sitwasyon sa Myanmar matapos ang sunud-sunod na pagsabog sa mga pangunahing lungsod sa mga nagdaang araw.
Ang Myanmar ang host ng 27th Southeast Asian Games na idaraos sa Dec. 11- 22. Ang Philippines ay magpapadala ng mahigit 200 athletes sa naturang biennial event.
“This sounds serious. We are monitoring the situation. We don’t like to get caught in the middle of all this,†sabi ni Garcia.
Gayunpaman, umaasa ang PSC chairman na walang kinalaman ang mga pagsabog sa papalapit na SEA Games o kaya ay hindi makaapekto ito.
“I hope this won’t affect the Games,†sabi pa ni Garcia. “We will always look after the safety of our athletes. We will keep our fingers crossed.â€
Nababahala rin si Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco sa sitwasyon at naghihintay ng report mula kay POC first vice president Jose Romasanta na nasa Myanmar.
Nagtungo si Romasanta sa Myanmar kamakalawa para magsumite ng final at official list ng mga Filipino athletes at officials na ipapadala ng Pinas.
“I’m still waiting for his call,†sabi ni Cojuangco.
Ayon sa mga ulat, anim na pagsabog ang yumanig sa mga “hotels, isang Buddhist pagoda at restaurants†sa Yangon at Naypyitaw mula pa noong Biyernes. Ang Naypyitaw ang magiging main hub at may mga events din sa Yangon at ang iba ay sa Mandalay.
- Latest