Nets naungusan ang Celtics

NEW YORK – Matapos ang mahabang panahong paglalaro suot ang berdeng uniporme, nanibago si Paul Pierce na kala-banin ang dati niyang team.


“It was a little weird looking over and seeing all the green uniforms,’’ aniya sa kanyang unang laro na kalaban ang Boston Celtics. “I’m used to lining up in the green and white for so long.’’



Nagtala si Pierce ng isang basket ngunit humatak ng 10 rebounds at nagdagdag ng 5 assists upang tulungan ang Brooklyn Nets na talunin ang Celtics, 82-80 nitong Martes ng gabi sa unang matchup sa pagitan ng dalawang koponang ito matapos ang blockbuster trade noong draft night.


Umiskor si
 Brook Lopez ng 20 points at si  Andrey Blatche ay may 14 bilang starter kapalit ni Kevin Garnett para sa Nets, na nakasiguro ng panalo nang umiskor si Chris Johnson ng dalawang free throws may 7.0 segundo na lang ang natitira matapos magtabla ang iskor sa 80-all.



Tumapos si Pierce ng 1 of 6 kung saan ang tangi niyang basket ay ang driving layup sa huling 6.2 segundo ng first half sa unang pagkikita ng dalawang team sapul nang magkasundo sa trade na nagdala kina Pierce at Garnett sa Brooklyn.



Pinangunahan ni Courtney Lee ang Cel-tics sa kanyang 14 points ngunit nagmintis sa potential tying jumper sa final seconds.



Si Pierce ang unang ipinakilala na Nets starter. Lagi siyang huling ina-announce sa Boston.

Sa Washington, umiskor si Bradley Beal ng 29 points at tinalo ng Wa-shington Wizards ang Mia-mi Heat, 100-82  nitong Martes upang ipalasap sa two-time defending champions ang kanilang unang talo sa preseason.



Ang second-year guard na si Beal ay 10  for 15 mula sa floor kabilang ang 4 for 8 mula sa 3-point range.  Ang kanyang  point total ay pareho ng kanyang career-high sa regular season.



Tumapos si John Wall ng 13 points, eight assists, five steals at five turnovers para sa Wizards (1-2).



Si LeBron James ay may 10 points para sa Heat (3-1), kabilang ang back-to-back dunks sa second quarter. Sina Dwyane Wade at Shane Battier ay may tig-14 points para pangunahan ang Miami.


Sa China, nagtala si David Lee ng 31 points at humatak ng six rebounds upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 100-95 preseason win kontra sa Kobe Bryant-less Los Angeles Lakers nitong Martes sa China.



Nagdagdag sina Stephen Curry ng 24 points para sa Warriors habang si  Andrew Bogut ay may 14 rebounds at nine points.

Bagama’t sumama si Bryant sa biyahe, hindi siya lumaro dahil nagre-rekober pa ito sa napunit na Achiles tendon.

Sa iba pang preseason games, tinalo ng Charlotte ang Cleveland, 92-74; dinaig ng Memphis ang Milwaukee, 102-99; iginupo ng Oklahoma ang Denver, 109-81at pinadapa ng Clippers ang Phoenix, 102-96.

 

Show comments