DEERFIELD, Ill. -- Inaasahang maglalaro si Chicago Bulls point guard Derrick Rose para sa kanilang home crowd.
Sinabi ni head coach Tom Thibodeau na maaaring mapanood ang NBA Most Valuable Player sa preseaÂson game ng Bulls kontra sa Detroit Pistons.
Ito ang kanyang magiging unang paglalaro sa UniÂted Center matapos mapunit ang isang anterior cruÂciaÂte ligament sa kanyang kaliwang tuhod sa 2012 playÂoff opener.
Hindi nakapaglaro si Rose, natunghayan sa mga preÂseason games laban sa Indiana Pacers at Memphis GrizÂzlies, noong nakaraang season dahil sa naturang inÂjury.
Nanatili siya sa bench sa kanilang laro ng Washington Wizards sa Rio de Janeiro dahil sa pamamaga ng kanÂyang kaliwang tuhod.
Ayon kay Rose, na maaari siyang maglaro kontra sa Wizards, ngunit hindi siya pinayagan ng Bulls’ maÂnagement.