Filipina cagers bitin sa SEA Games

MANILA, Philippines - Dalawang taon na ang nakalipas matapos ang In­donesia SEA Games pe­ro aminado ang mga wo­­­men’s basketball pla­yers na nananatiling sariwa pa ang overtime loss nila sa Thailand.

Kumulapso sa huling 20 segundo sa regulation ang Nationals para maita­kas ng Thais ang 75-73 ta­gumpay at angkinin ang SEA Games title.

“Hindi kami makatulog kapag naaalala namin ang nangyaring iyon. Ka­ya kahit ano ang mangyari, ang goal namin ay bumawi at manalo kami ngayon,”  wika ni Chovi Borja na nakasama sa Per­las Team na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Ma­late kahapon.

Dahil sa pagkatalong iyon, hindi agad pinahintulutan ng POC-PSC Task Force SEA Games ang wo­men’s team na sumabak sa Myanmar SEAG.

Sa halip ay kailangan mu­na nilang dumaan sa FIBA-Asia Women’s Cham­pionship sa Bangkok, Thailand mula Ok­tubre 27 hanggang Nob­yembre 3 at talunin ang SEA countries na ki­nabibilanganan ng host Thai­land, Malaysia at Indonesia para makakuha ng tiket.

Sa Oktubre 29 ang pi­nakamahalagang laban ng Nationals dahil lalaban nila ang Thailand na tumalo sa kanila noong 2011 SEA Games.

Show comments