MANILA, Philippines - Sinasandalan ni PSC commissioner Jolly Gomez ang pagkakaroon ng magandang bilang ng kasali sa team sport na baseball at softball para tumibay ang hangaring dagsain ng kalahok ang 2013 Batang Pinoy Luzon elimination na gagawin sa Iba, Zambales mula Oktubre 15 hanggang 19.
Ang Zambales ay dumanas din ng hagupit ng bagyong Santi at sa ulat na nakarating kay Gomez, ang bubong ng paglalaruang Zambales Sports Complex ay nilipad din.
Wala ring kuryente sa ibang lugar sa Zambales dahilan upang magpasabi ang mga local officials sa PSC na hindi nila maibibigay ang naunang plano na magarbong hosting dahil ang pondo ay gagamitin para itulong sa mga nabiktima ng bagyo.
“We understand the situation. Zambales is in now and it’s a wise decision to tone down the hosting and use their funds for relief effort,†ani Gomez.
Ang nagbibigay kum-piyansa sa kanya na dadagsain ang palaro ay ang pagkakaroon ng 12 koponan sa softball at anim pa sa baseball.
Ang mga nanalo ng ginto sa Mindanao at Visayas leg na ginawa sa Tagum City at Maasin City Leyte at sa Luzon ay aabante sa National finals na gagawin sa Bacolod City mula Nobyembre 19 hanggang 23. Hindi rin orihinal na nakaiskedyul ang Finals sa Bacolod dahil una itong inilagay sa Zamboanga City.