Laro BUKAS
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. – Air Force vs Army (battle for third)
Awards ceremony
4 p.m. – Cagayan vs Smart-Maynilad (Game 1, Finals)
MANILA, Philippines - Hindi napigil ng depensa ng Philippine Army ang mga pag-atake ni Alyssa Valdez para kunin ng Smart-Maynilad ang 21-25, 25-20, 25-13, 21-25, 15-10 panalo sa deciding Game Three ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference Final Four kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Limang sunod na kills ang pinakawalan ni Valdez upang patalsikin ang Lady Troopers at ipasok ang Net Spikers sa finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Tumapos si Valdez taglay ang 23 kills at isang service ace para sa tropa ni coach Roger Gorayeb na ipinarada rin sa unang pagkakataon ang 6’3†spiker Dindin Santiago at nagpatatag sa kanilang opensa at depensa.
Si Santiago ay mayroong 19 hits, tampok ang tatlong blocks, habang si Thai import Lithawat Kesinee ay naghatid ng 17 kills tungo sa 22 hits.
Sina Valdez, Kesinee at Santiago ang nagtulung-tulong para kunin ng Smart ang 72-54 bentahe sa attacks para maisantabi ang 24 errors sa larong tumagal ng 2-oras at 3-minuto.
Katapat ng Smart ang walang talong Cagayan Province sa best-of-three finals na magsisimula bukas.
Si Jovelyn Gonzaga ay mayroong 11 kills, 5 blocks, 1 ace at 12 digs ngunit kinapos ang suporta ng mga kasamahan lalo na sa pagdepensa kay Valdez para makontento sa pakikipagtuos sa Philippine Air Force para sa ikatlong puwesto sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Malakas ang panimula ng Army pero nagising ang Net Spikers sa ikalawa at ikatlong set na kanilang dinomina para hawakan ang 2-1 kalamangan.