Bradley-Pacquiao rematch sa 2014?

MANILA, Philippines - Kung maipapanalo ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios ay may tsansang maitakda ang kanilang rematch ni Timothy Bradley, Jr. sa susunod na taon.

Ito ay matapos lusutan ni Bradley si Mexican challenger Juan Manuel Marquez via split decision para panatilihing bitbit ang kanyang World Boxing Organization WBO welterweight title kahapon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Nauna nang pumayag si Bradley sa rematch kay Pacquiao, inagawan niya ng WBO belt mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012, bago ang kanyang pagdedepensa kay Marquez.

 â€œI’ll fight anyone, including a bull,” wika ng 30-anyos na si Bradley (31-0-0, 12 KOs) matapos talunin ang 40-anyos na si Marquez (55-7-1, 40 KOs).

Ayon kay Bradley, ang tagumpay niya kay Marquez ang magbubukas sa kanya ng mas malalaking laban, kabilang na dito ang rematch kay Pacquiao 54-5-2 (38 KOs) na lalabanan si Rios  (31-1-1, 23 KOs) para sa WBO International welterweight belt sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

“That was my ticket to the boxing Hall of Fame,” wika ni Bradley kay Marquez, pinatulog si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatatagpo noong Disyembre 8, 2012. “I beat a great champion.”

Nakakuha si Bradley ng 116-112 at 115-113 points mula sa dalawang boxing judges, habang 115-113 ang natanggap ni Marquez sa isang judge.

 

Show comments