Siyam na kabayo para sa PCSO race

MANILA, Philippines - Siyam na kabayo ang nag­patala para paglaba­nan ang PCSO Anniver­sary Race na siyang tam­pok na karera sa pagta­tapos ng isang linggong karera nga­yon na gagawin sa San­ta Ana Park sa Naic, Ca­vite.

May P1.5 milyon ang inilaan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Of­fice sa karerang paglalabanan sa isang milya at ang mana­nalo ay maghahatid ng P900,000.00 sa may-ari.

Ang mga kasali at mga hinete ay ang Leo­nor (JV Ponce), Sky Dra­gon (AB Alcasid Jr.), Stand In Awe (JB Guce), Pu­gad Lawin (P Dilema), Ap­pointment (JB Hernan­dez), Boss Jaden (JB Ba­caycay), Wild Ginseng (FM Raquel Jr.) at Divine Eagle (MA Alvarez).

Ang Leonor ay inaa­s­ahan na magiging isa sa pa­borito matapos gabayan ni JV Ponce ang kabayo sa pangunguna sa Lakam­bi­ni Stakes Race noong Agos­to 17.

Pero palaban ang ibang kalahok katulad ng Boss Jaden, Pugad Lawin at Divine Eagle.

Lumalabas ang husay ng Boss Jaden kapag napapalaban sa malalaking stakes races, habang ang Pu­gad Lawin ay sariwa sa pag­kapanalo noong Oktubre 4.

Ang Divine Eagle ay maaaring makapanggulat dahil sa ganda ng premyo.

Ang papangalawa ay may P300,000.00, habang ang papangatlo at papang-apat ay may P200,000.00 at P100,000.00.

 

Show comments