2nd finals ticket pag-aagawan ng Smart-Maynilad at Army

SEMIFINALS

(Best-of-3)

Laro NGAYON

(The  Arena, San Juan City)

3 p.m. – Smart-Maynilad vs Army

 

MANILA, Philippines - Kung ano ang epekto ng pagkulapso sa huling la­ro sa Smart-Maynilad ay malalaman ngayon sa pagharap muli sa second seed Philippine Army sa ‘do-or-die’ game na ta­tapos sa Final Four ng Sha­key’s V-League Season 10 Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Dalawang puntos na la­mang ang kailangan sa­na ng Net Spikers sa fourth set para umabante sa Finals ngunit bumigay ang mga batikang manla­laro ng koponan at natalo sa 21-25, 25-18, 25-12, 23-25, 10-15.

Buo pa rin ang tiwala ni Smart coach Roger Go­rayeb na may kapasidad pa ang kanyang mga bataan na maihirit ang panalo dahil tinalo na nila ang 2011 champion sa Game One.

“May laban pero kailangan namin ang consistency. Dapat din ay magkaroon kami ng malakas na panimula,” wika ni Go­rayeb.

Ang mga Thai imports na sina Lithawat Kesinee at Wanida Kotruang bukod pa kina Alyssa Valdez, Gretchel Soltones, Sue Roces at Rubie de Le­on  ang mga aasahan muli pero malaking tulong sa ko­­ponan kung makapag­lalaro si 6-foot-3 spiker Din­din Santiago.

Naka-line-up si Santia­go, ang MVP ng first con­ference, ngunit wala pa siyang ‘go-signal’ mula sa National University kaya hindi pa nakakapaglaro sa liga.

 

Show comments